Mas pinaigting pa ng Pilipinas at India ang ugnayang pangdepensa sa pamamagitan ng pagpirma ng tatlong terms of reference o TOR.
Nilagdaan nina Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. at Indian Defense Minister Rajnath Singh ang mga TOR sa New Delhi, kasabay ng opisyal na pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa India mula Agosto 5 hanggang 8.
Kabilang sa kasunduan ang air staff talks ng Philippine Air Force at Indian Air Force, army-to-army staff talks, at navy-to-navy staff talks.
Sa hiwalay na pagpupulong, parehong ipinahayag nina Marcos at Indian Prime Minister Narendra Modi ang suporta para sa rules-based international order, kapayapaan sa rehiyon, at mas malalim na kooperasyon sa larangan ng depensa, kalakalan, teknolohiya, enerhiya, at edukasyon.

