Lumapag sa Kempegowda International Airport sa Bengaluru City, India nitong Huwebes, August 7, si President Ferdinand Marcos Jr. para sa second leg ng kaniyang limang araw na state visit doon.
Saktong 11:18 A.M. sa india, habang 1:48 P.M. naman sa oras sa pilipinas nakarating ang pangulo kasama ang Philippine Delegation.
Nakatakdang makapulong ng pangulo ang technology and innovation leaders ng lungsod na siyang tinaguriang “Silicon Valley of India” dahil sa mayabong nitong teknolohiya.
Pinagunahan din ni PBBM ang isang banquet o pormal at magarbong handaan bilang hapunan nang kinagabihan.
ADVERTISEMENT
Nakatakdang umuwi ang pangulo ngayong Biyernes, August 8.

