Patuloy pa rin ang Commission on Elections (Comelec) sa 10-day voters registration nito na nagsimula noong Agosto 1.
Sa ngayon, pumalo na sa mahigit 1.2 milyon ang mga nagparehistro.
Ayon kay Garcia, pinakamataas na turnout ito para sa Comelec sa loob lang ng ilang araw. Target ng komisyon ang 1.5 milyong registrants para sa BSKE.
Kasunod aniya ito ng May 2025 elections kung saan naitala ang pinakamataas na midterm voter turnout sa kasaysayan.

