SportsLatest News

Manny Pacquiao, posibleng lumaban muli sa Disyembre | News Light

Balik-bansa na si boxing legend Manny Pacquiao matapos ang laban niya kay Mario Barrios sa Las Vegas at isang makasaysayang bakasyon sa Italy kasama ang asawang si Jinkee.

Carlene Latuna · · Updated · 1 min read

Balik-bansa na si boxing legend Manny Pacquiao matapos ang laban niya kay Mario Barrios sa Las Vegas at isang makasaysayang bakasyon sa Italy kasama ang asawang si Jinkee.

Ayon kay Pacquiao, masaya at exciting ang kanilang pagbisita sa mga lugar gaya ng Amalfi at Positano, kung saan nag-enjoy siyang maglakad sa mga paakyat na kalsada.

Sa kabila ng apat na taong pahinga sa boxing, masaya si Pacquiao sa performance niya sa ring matapos ang dalawang buwang training.

Inamin niyang hindi pa 100% ang kondisyon niya, ngunit handa siyang bumalik sa ring ngayong Disyembre.

ADVERTISEMENT

Bagamat wala pang detalyeng binanggit si Pacquiao sa susunod na laban, sa ngayon, plano ni Pacquiao na magpahinga, maglaro ng golf, at ipagpatuloy ang training habang nasa bansa.

What do you feel about this article?