Uncategorized

Magkakapatid na Sy, nanguna sa listahan ng pinakamayayamang pinoy, ayon sa Forbes

Pinangunahan ng mga anak at tagapag mana ng yumaong negosyanteng si Henry Sy ang listahan ng pinaka mayayamang Pilipino sa bansa.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Pinangunahan ng mga anak at tagapag mana ng yumaong negosyanteng si Henry Sy ang listahan ng pinaka mayayamang Pilipino sa bansa.

Base ‘yan sa top 50 list na inilabas ng Forbes magazine nitong Huwebes, August 7.

Ayon sa Forbes, pumalo ng $11.8 billion ang net worth ng magkakapatid.

Plano naman ng magkapatid na palakawin ang kanilang negosyong SM Prime Holdings at mag invest ng $9 billion sa susunod na limang taon upang mapalago pa ang kanilang kayamanan.

Sunod naman sa listahan ang container terminal tycoon na si Enrique Razon Junior na may $11.8 billion networth.

ADVERTISEMENT

Pangatlo si former Senator Manny Villar na may $11 billion.

Pang-apat naman si San Miguel Corporation CEO Ramon Ang na may $3.75 billion lang naman.

What do you feel about this article?