Balitang A2ZLatest News

LPA sa labas ng PAR, tropical depression na; ilang lugar sa bansa, apektado ng pag-ulang dala ng LPA at habagat

Ganap nang tropical depression ang Low Pressure Area na binabantayan ng PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Ganap nang tropical depression ang Low Pressure Area na binabantayan ng PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility.

Gayunpaman, ang mararanasang pag-ulan ay bunsod ng isa pang LPA na nasa loob ng PAR. Huli itong namataan sa katubigang bahagi ng San Fernando City, La Union.

Partikular na makararanas ng maulap na panahon hanggang sa malalakas na pag-ulan ang Ilocos Region at Zambales.

Gayundin sa Metro Manila, CAR, Cagayan Valley, CALABARZON at ilan pang lugar.

ADVERTISEMENT

Samantala, ang mararanasang sama ng panahon sa natitirang bahagi ng bansa ay bunsod naman ng habagat.

What do you feel about this article?