Balitang A2ZLatest News

House Speaker Martin Romualdez, kinwestiyon ang pag archive ng Senado sa impeachment

Kinwestiyon ni House Speaker Martin Romualdez nitong Huwebes, August 7, ang aniya'y "minadaling" hakbang ng Senado na isailalim sa "archive" ang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Kinwestiyon ni House Speaker Martin Romualdez nitong Huwebes, August 7, ang aniya’y “minadaling” hakbang ng Senado na isailalim sa “archive” ang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Giit ni Romualdez, ang pag “archive” sa articles of impeachment ni Duterte ay tila nangangahulugang paglilibing nito sa lupa.

Binigyang diin ng kongresista na hindi pa naisasapinal ang ruling ng Supreme Court sa gitna ng inihain ng Kamara na motion for reconsideration sa naturang reklamo.

Dagdag pa ni Romualdez, nakita aniya ng Korteng seryoso ang nilalamang argumento ng kanilang mosyon at sinabing sasapat na upang maitulak si Duterte na mag sumite ng komento ukol dito.

What do you feel about this article?