Kinuwestiyon ni House Speaker Martin Romualdez ngayong Huwebes ang aniya’y “minadaling” hakbang ng Senado na isailalim sa “archive” ang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Giit ni Romualdez, ang pag-“archive” sa articles of impeachment ni Duterte ay tila nangangahulugang paglilibing nito sa lupa.
Binigyang-diin ng kongresista na hindi pa naisasapinal ang ruling ng Supreme Court sa gitna ng inihain ng Kamara na motion for reconsideration sa naturang reklamo.
Dagdag pa ni Romualdez, nakita aniya ng korte ang seryosong nilalamang argumento ng kanilang mosyon at sinabing sasapat na upang maitulak si Duterte na magsumite ng komento ukol dito.
ADVERTISEMENT

