Balitang A2ZEntertainment

Blackpink’s ‘Pink Venom’ music video, pumalo na sa isang bilyong views sa YouTube; lahat ng miyembro ng grupo, nominated sa Best K-pop category ng MTV VMAs

Sa kasagsagan ng sold-out stadium world tour ng K-pop girl group na Blackpink ngayong taon, panibagong achievement na naman ang kanilang nakuha dahil pumalo na sa mahigit isang bilyon ang…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Sa kasagsagan ng sold-out stadium world tour ng K-pop girl group na Blackpink ngayong taon, panibagong achievement na naman ang kanilang nakuha dahil pumalo na sa mahigit isang bilyon ang YouTube views ng music video ng kanilang hit song na ‘Pink Venom.’

Ito na ang ika-anim nilang music video na may more than 1 billion views sa YouTube, kabilang ang DDU-DU DDU-DU, Kill This Love, BOOMBAYAH, As If It’s Your Last, at How You Like That.

Hindi lang successful bilang grupo ang Blackpink kundi maging bilang solo artists dahil nominado ang lahat ng miyembro nito sa Best K-pop category ng MTV Video Music Awards.

Habang ang main vocalist ng grupo na si Rosé, 8 ang nakuhang nominasyon kabilang ang Best Pop, Best Collaboration, Best Direction, Best Art Direction, Best Visual Effects para sa hit song niyang “APT”, at Best K-pop sa solo track niyang “Toxic Till The End.”

ADVERTISEMENT

Sa September 7 malalaman ang mga panalong musical artists sa VMAs ngayong taon.

What do you feel about this article?