FeaturedLatest News

7 EDSA busway stations, sasailalim sa rehabilitasyon | News Light

Sisimulan na ang pagsasaayos ng EDSA busway ngayong taon, ayon sa Department of Transportation (DOTr). Pitong istasyon ng Edsa busway ang sasailalim sa malawakang rehabilitasyon.

Newslight · · Updated · 2 min read

Sisimulan na ang pagsasaayos ng EDSA busway ngayong taon, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Sa pag-iinspeksyon ni Transportation Secretary Vince Dizon, Budget Secretary Amenah Pangandaman, at House transportation committee chair Congressman Franz Pumaren sa busway kahapon, inanunsyo na pabibilisin ang modernisasyon ng busway.

Planong ayusin ang mga istasyon katulad ng sa SM North station na pinagawa ng naturang mall.

Ayon kay Dizon, ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing commuter-centric at hindi car-centric ang bansa.

ADVERTISEMENT

Prayoridad na aniya ang mga komyuter na dumadaan sa busway na umaabot sa 250,000 kada araw.

Pitong istasyon ng Edsa busway ang sasailalim sa malawakang rehabilitasyon.

Ang phase 1 ay sakop ang Monumento, Bagong Barrio, North Avenue, at Guadalupe stations, habang ang phase 2 ay magtatayo ng tatlong bagong istasyon sa PITX at Cubao.

ADVERTISEMENT

Tinatayang aabot sa ₱200 milyon ang kabuuang gastos para sa proyekto na inaasahang matatapos sa kalagitnaan o ikatlong bahagi ng 2026.

Kabilang sa mga pag-aayos ang pagpapalapad ng mga istasyon, pagpapalit ng shed at railings, pag-aayos ng kagamitan, at pagtatayo ng mga guard at traffic officer posts.

Magkakaroon din ng vertical louvers bilang panangga sa init at ulan, tactile paving para sa may kapansanan sa paningin, at malinaw na signage na may kasamang transit maps at fare guides. (Carlene Latuna, Dawn Pamulaya / News Light)

ADVERTISEMENT

What do you feel about this article?