Patay ang isang 35-anyos na turistang Pilipino matapos itong mabundol ng isang taxi sa Tsuen Wan West Area ng Hong Kong nitong August 5.
Kinumpirma ng konsulado ng bansa ang insidente.
Sa CCTV video, kita ang biktima na palabas ng kanyang hotel nang bigla nalang sinalpok ng rumaragasang taxi.
Naipit ang biktima sa pagitan ng sasakyan at pader ng gusali, naitakbo pa siya sa ospital pero binawian rin ng buhay.
ADVERTISEMENT
Nasa kustodiya na ng pulisya ang drayber ng taxi, habang isinasaayos naman ng pamahalaan ang pagpapauwi sa mga labi ng biktima.

