Balitang A2ZLatest News

South Korea, nag-donate ng 40,000 sako ng bigas para sa susunod na relief operations

Nasa 40,000 sako ng libreng bigas ang natanggap ng Department of Social Welfare and Development mula sa gobyerno ng South Korea noong Miyerkules, August 6.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Nasa 40,000 sako ng libreng bigas ang natanggap ng Department of Social Welfare and Development mula sa gobyerno ng South Korea noong Miyerkules, August 6.

Personal na tinanggap ni Social Welfare Chief Rex Gatchalian ang naturang donasyon sa turnover ceremony sa operations center ng DSWD sa Pasay City.

Ayon kay Gatchalian, inaasahang nasa 280,000 na pamilya ang makikinabang sa naturang donasyon na isasantabi bilang family food packs para sa mga mangangailangan nito sa hinaharap.

Aniya, patuloy pa rin ang relief operations sa mga pamilyang lubhang naapektuhan ng nagdaang kamalidad, partikular ang mga residenteng binaha sa malaking parte ng Luzon.

What do you feel about this article?