Inilaban ni Senador Tito Sotto at ilan pang mambabatas sa Plenaryo noong Miyerkules, August 6, na huwag munang i-dismiss agad-agad ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Ito’y habang may nakahain pang motion for reconsideration sa Korte Suprema.
Pero sa botohan, natalo ang mungkahi ng kampo ni Sotto at nanaig ang mayorya na i-archive o itabi na ang impeachment complaint.

