Balitang A2ZLatest News

Rep. Toby Tiangco, hinamon ang Kamara na ilabas ang ‘small committee amendments’ kaugnay sa 2025 national budget

Hinamon ni Navotas City Lone District Representative Toby Tiangco ang Kamara na ilabas ang mga pag-aamyendang ginawa ng aniya'y isang maliit na komite kaugnay sa 2025 national budget.

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Hinamon ni Navotas City Lone District Representative Toby Tiangco ang Kamara na ilabas ang mga pag-aamyendang ginawa ng aniya’y isang maliit na komite kaugnay sa 2025 national budget.

Kinwestiyon ng kongresista ang proseso ng tinutukoy niyang komite, na anya’y binubuo ng apat na miyembro ng Kamara, kabilang ang dating House Appropriations Chairman at AKO Bicol Party-list Representative na si Zaldy Co.

Ayon kay Tiancgo, ang mga naturang pag aamyenda ay hindi tinalakay sa plenaryo kundi sa loob lamang ng isang saradong pagpupulong.

What do you feel about this article?