Daang-daang bumbero ang patuloy na lumalaban sa malawak na wildfire sa timog ng France.
Naitala ang pinakamalaking wildfire sa France na sumiklab noon pang Martes at nakapinsala na sa humigit-kumulang 15,000 hectares ng lupa.
Ayon sa mga opisyal, higit 25 kabahayan ang nasira o nadamay sa sunog, habang isang tao ang nasawi at siyam ang nasugatan.
Nailikas ang ilang camping grounds, isang baryo, at ilang kalsada ang pansamantalang isinara.
ADVERTISEMENT
Sa kasalukuyan, higit 1,800 bumbero ang tumutok sa pagsugpo ng pinakamalaking sunog sa bansa ngayong taon.

