Nababahala ngayon ang Philippine Coast Guard sa pagdami ng namamataang Chinese research vessel sa West Philippine Sea.
Ayon sa PCG, namataan nila ang mga Chinese research vessel sa layong 200 nautical miles sa Exclusive Economic Zone ng bansa.
Naispatan rin ang ‘Xiang Yang Hong 05’ sa Philippine Exclusive Economic Zone at umalis rin.
Sa harap nito, giit ng PCG na tuloy-tuloy ang kanilang pagmo-monitor para protektahan ang soberanya ng bansa.

