Nababahala ngayon ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pagdami ng mga namamataang Chinese research vessel sa West Philippine Sea.
Ayon sa PCG, namataan nila ang mga barko sa layong 200 nautical miles sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.
Kabilang sa mga naispatan ang “Xiang Yang Hong 05” na pumasok sa Philippine exclusive economic zone ngunit agad rin umalis.
Giit ng PCG, tuloy-tuloy ang kanilang pagmamanman upang protektahan ang soberanya ng Pilipinas.

