News LightLatest News

Pangulong Marcos Jr., sinuspinde ang pag-aangkat ng bigas simula Sept. 1 | News Light

Sinuspinde ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-aangkat ng bigas sa loob ng 60 araw simula Setyembre 1.

Carlene Latuna · · 1 min read

Sinuspinde ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-aangkat ng bigas sa loob ng 60 araw simula Setyembre 1.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Dave Gomez, layon ng suspensyon na protektahan ang mga lokal na magsasaka mula sa epekto ng mababang presyo ng palay.

Kinonsulta umano ng pangulo ang mga miyembro ng gabinete habang nasa limang araw na state visit sa India.

Para naman kay agri group SINAG chairman Rosendo So, walang saysay ang suspensyon kung hindi rin itataas ang taripa.

ADVERTISEMENT

Ayon kay PCO Secretary Gomez, iginiit ng pangulo na hindi pa tamang panahon upang pag-usapan ang pagtaas ng taripa sa imported na bigas.

What do you feel about this article?