Target ni Joshua “The Passion” Pacio na maging kauna-unahang Pilipinong two-division world champion sa ONE Championship habang hinahamon niya si Yuya “Little Piranha” Wakamatsu para sa ONE flyweight MMA world title.
Matapos tapusin ang kanyang matagal na rivalry kay Jarred Brooks, haharap si Pacio sa bagong pagsubok sa ONE 173: Superbon vs. Noiri sa Nobyembre 16 sa Tokyo, Japan.
Bilang reigning strawweight world champion, aminado si Pacio na mabigat ang kalabang si Wakamatsu na kilala sa bilis at lakas ng kamao, ngunit handa siyang ibuhos ang lahat para sa karangalan ng Pilipinas.
Samantala, kumpiyansa rin si Wakamatsu na maipagtatanggol ang kanyang titulo laban sa isang kapwa kampeon.

