Good NewsLatest News

Kultura ng Pilipinas, tampok sa Netflix docuseries kasama ang Canadian-Filipino vlogger na si ‘Kulas’ | News Light

Kaya ibinahagi niya ang magandang balita kung saan itatampok sa upcoming Netflix docuseries na 1 in 7641 ang kultura, tanawin, at kasaysayan ng Pilipinas.

Carlene Latuna · · Updated · 1 min read

Positive media tungkol sa Pilipinas.

‘Yan ang layon ng Canadian vlogger na si Kyle Jennermann o mas kilala bilang “Kulas” ng YouTube channel na BecomingFilipino.

Kaya ibinahagi niya ang magandang balita kung saan itatampok sa upcoming Netflix docuseries na 1 in 7641 ang kultura, tanawin, at kasaysayan ng Pilipinas.

Si Kulas ay parte ng docuseries na mapapanood simula sa August 27.

ADVERTISEMENT

Ayon sa Canadian-Filipino vlogger, masaya siya at asahan aniya ang mga episode na puno ng positibong impormasyon tungkol sa Pilipinas.

Kaya marami na sa kanyang followers at iba pang netizen ang nag-aabang at excited para sa docuseries na ito.

What do you feel about this article?