Importasyon ng bigas, suspendido nang 60 araw simula Sept. 1

📅  |  ✏️ Updated

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagsuspinde sa importasyon ng bigas sa bansa simula sa September 1.

Ito ay para protektahan ang mga magsasaka sa harap ng mababang presyo ng palay ngayong harvest season.

Sa anunsyo ni Presidential Communications Secretary Dave Gomez, aabot sa 60 araw ang direktiba ng pangulo sa pagsuspinde ng importasyon ng bigas.

Kasunod aniya ito ng pagkonsulta ni PBBM sa Cabinet Members sa sidelines ng limang araw na State Visit sa India at sa rekomendasyon na rin ni Agriculture Sec. Francisco Tiu-Laurel Jr.