WeatherLatest News

Dalawang LPA, binabantayan ng PAGASA; isa posibleng maging bagyo | News Light

Ayon sa pinakahuling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang LPA na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ay may mababang tsansa na maging…

Dawn Pamulaya · · Updated · 1 min read

Dalawang low pressure area (LPA) ang binabantayan ngayon sa bansa.

Ayon sa pinakahuling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang LPA na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ay may mababang tsansa na maging bagyo sa loob ng 24 oras.

Samantala, ang isa pang LPA na namataan sa labas ng PAR ay may katamtamang posibilidad na maging tropical depression sa parehong panahon.

Kabilang sa mga apektadong lugar ang Cagayan Valley, Metro Manila, CALABARZON, at ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.

ADVERTISEMENT

Pinapayuhan ang publiko na patuloy na mag-monitor at maghanda sa posibilidad ng pag-ulan at pagbaha.

What do you feel about this article?