RegionalLatest News

Alkalde ng San Simon sa Pampanga, arestado matapos mahuli sa aktong nangingikil | News Light

Arestado si Mayor Abundio Punsalan Jr. ng San Simon, Pampanga matapos mahuli sa aktong tumanggap ng umano’y ₱30 milyon na bribe money.

Giselle Crazo · · Updated · 1 min read

Arestado si Mayor Abundio Punsalan Jr. ng San Simon, Pampanga matapos mahuli sa aktong tumanggap ng umano’y ₱30 milyon na bribe money.

Naaresto ng National Bureau of Investigation ang alkalde sa isang entrapment operation sa isang restaurant sa Clark, Angeles.

Ikinasa ang operasyon sa reklamo ng Real Steel Corporation na umano’y nangingikil ng ₱80 milyon ang alkalde kung saan ₱30 milyon ang initial deposit.

Kapalit umano ng pera ang pangakong magandang resolusyon mula sa lokal na pamahalaan.

ADVERTISEMENT

Dinala na si Mayor Punsalan sa NBI headquarters para sa inquest kasama ang kanyang tauhan at sasampahan ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

What do you feel about this article?