Balitang A2ZFeatured

Alkalde ng San Simon sa Pampanga, arestado matapos mahuli sa akto ng pangingikil

Arestado si Mayor Abundio Punsalan Jr. ng San Simon, Pampanga, matapos mahuli sa aktong tumanggap ng umano'y ₱30 Million na bribe money.

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Arestado si Mayor Abundio Punsalan Jr. ng San Simon, Pampanga, matapos mahuli sa aktong tumanggap ng umano’y ₱30 Million na bribe money.

Naaresto ng National Bureau of Investigation ang alkalde sa isang entrapment operation sa isang restaurant sa Clark Angeles.

Ikinasa ang operasyon sa reklamo ng Real Steel Corporation na umano’y nangingikil ng ₱80 Million ang alkalde, kung saan ₱30 Million ang initial deposit.

Kapalit umano ng pera ang pangakong magandang resolusyon mula sa local na pamahalaan.

ADVERTISEMENT

Dinala na si Mayor Punsalan sa NBI Headquarters para sa inquest kasama ang kanyang tauhan at sasampahan ng paglabag sa Anti-Graft and Corruption Practices Act.

What do you feel about this article?