Pinakokomento ng Supreme Court sina Vice President Sara Duterte at Atty. Israelito Torreon ukol sa inihaing motion for reconsideration ng Kamara sa SC dahil sa ruling nito na unconstitutional ang impeachment complaints laban sa bise.
May hanggang sampung araw sina Duterte at Torreon na sumagot sa utos ng SC makaraang matanggap ito.
Habang wala pang tugon ang SC sa motion for intervention na inihain ng ilang mambabatas.

