Bumaba ang trust at performance ratings ng Senado samantalang tumaas naman ang ratings ng Kamara, ayon sa Tugon ng Masa survey ng OCTA Research.
Sa survey na isinagawa noong Hulyo 12 hanggang 17, bumagsak sa 49% mula sa 57% ang trust rating ng Senado.
Naitala sa National Capital Region ang pinakamataas na distrust ratings ng mga Pilipino sa Senado.
Mula naman sa 53% na performance rating ng Senado, naging 47% na lamang ito.
Samantala, tumaas ang trust rating ng House of Representatives na mula sa 49% ay naging 57%.
ADVERTISEMENT
Mula sa 47%, tumaas sa 55% ang performance rating ng Kamara.
Nilahukan ng 1,200 indibidwal ang naturang OCTA Research survey na may confidence level na 95 percent.

