EntertainmentBalitang A2Z

Teaser ng ‘Spider-Man: Brand New Day’, inilabas na; Tom Holland, ipinasilip ang bago niyang spidey suit

Handa nang magbalik ang web-slinging superhero na si Peter Parker na gagampanan pa rin ni Tom Holland sa bago nitong edisyon na 'Spider-Man: Brand New Day'.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Handa nang magbalik ang web-slinging superhero na si Peter Parker na gagampanan pa rin ni Tom Holland sa bago nitong edisyon na ‘Spider-Man: Brand New Day’.

Na-excite ang Marvel fans nang ilabas nitong Sabado, August 2, ang teaser ng upcoming film.

Sa una, makikita si Holland na nagwawarm-up bago pumasok sa film set hudyat ng pagsisimula ng filming ng pelikula.

Tampok din ang pinakabagong spider suit na may mas pinalaking spider logo at mas matingkad na kulay ng asul at pula, ang trademark ni Spider-Man.

Sa huli, maririnig din si Holland na sinabing “we ready?” na lalong nagpataas ng excitement ng fans.

ADVERTISEMENT

Abangers na rin ang fans sa new kilig at action films ni Holland kasama ang kaniyang one true love na si MJ na gagampanan pa rin ng kaniyang real life partner na si Zendaya at bestfriend niyang si Ned na ginagampanan naman ni Jacob Batalon.

Nakatakdang ipalabas ang pelikula sa July 31, 2026.

What do you feel about this article?