Nais ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros na bawiin ng Kamara ang kapangyarihan ng pangulo na palitan ang taripa para sa bigas.
Binigyang diin ni Hontiveros na ilan sa mga negatibong epekto ng Executive Order No. 62 na dahilan ng mas pinapapabang taripa sa bigas.
Dagdag pa ng senadora, nakababahala aniya kung hindi maitatama ang naturang Executive Order dahil magreresulta ito ng kakaunting magsasaka na nais magtanim ng bigas sa Oktubre.
Inalala rin ni Hontiveros ang mga magsasaka ng Mindoro at iba pang probinsya na nagsumbong sa senador dahil sa kakarampot na kita sa ani.

