Good NewsLatest News

Prayer at Bible study sa pangunguna ni Quezon City Vice Mayor Gian Sotto, umani ng positibong reaksyon mula sa netizens | News Light

Umani ng positibong reaksyon mula sa netizens ang pagsasagawa ng prayer at Bible sharing sa Office of the Vice Mayor sa Quezon City.

Carlene Latuna · · Updated · 1 min read

Umani ng positibong reaksyon mula sa netizens ang pagsasagawa ng prayer at Bible sharing sa Office of the Vice Mayor sa Quezon City.

Ito ay dahil mismong si QC Vice Mayor Gian Sotto ang nanguna sa gawain.

Ayon sa kanyang post, “Buhay ang Salita ng Diyos, at ito lang ang puwedeng panghawakan.”

Idinagdag din niya ang talata mula sa Mateo 4:4 na nagsasaad: “Man shall not live on bread alone, but on every word that proceeds out of the mouth of God.”

ADVERTISEMENT

Natuwa ang maraming netizens at iginiit na sana ay mas dumami pa ang mga lider ng pamahalaan na may takot sa Diyos.

What do you feel about this article?