InternationalLatest News

PBBM: ‘Strategic partnership’ ilulunsad sa pagitan ng Pilipinas at India | News Light

Kinumpirma ni President Ferdinand Marcos Jr. na mas pag-iibayuhin pa ng Pilipinas at India ang relasyon ng dalawang bansa sa tulong ng ilulunsad na “strategic partnership.”

Giselle Crazo · · Updated · 1 min read

Kinumpirma ni President Ferdinand Marcos Jr. na mas pag-iibayuhin pa ng Pilipinas at India ang relasyon ng dalawang bansa sa tulong ng ilulunsad na “strategic partnership.”

Kasunod ito ng pag-arangkada ng limang araw na state visit ni PBBM sa India — ang bansang pang-apat sa may pinakamalaking ekonomiya sa mundo.

Ayon sa Pangulo, nakatakda siyang makasama bukas, araw ng Miyerkules, si Indian Prime Minister Narendra Modi sa isang bilateral agreement signing.

Layon aniya ng naturang kasunduan na palakasin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa larangan ng defense, kalakalan, kalusugan, at turismo.

What do you feel about this article?