RegionalLatest News

Pagsabog sa Palawan, iniimbestigahan ng NBI; publiko pinayuhang iwasan ang debris | News Light

Iniimbestigahan ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang umano’y pagsabog sa himpapawid ng Palawan noong Agosto 4, na pinaniniwalaang dulot ng isang test rocket.

Dawn Pamulaya · · 1 min read

Iniimbestigahan ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang umano’y pagsabog sa himpapawid ng Palawan noong Agosto 4, na pinaniniwalaang dulot ng isang test rocket.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, pinayuhan ang publiko na huwag hawakan ang anumang debris na maaaring nagmula sa rocket dahil posibleng may taglay itong toxic na kemikal.

Inulat ng NBI-Puerto Princesa na narinig ng mga residente ang malakas at malalim na pagsabog na nagdulot ng pangamba sa mga baybaying barangay.

Sa paunang beripikasyon, natukoy na ang insidente ay kasabay ng paglunsad ng Long March 12 rocket ng China mula Hainan.

ADVERTISEMENT

Ayon sa Philippine Space Agency, ang narinig na tunog ay maaaring epekto ng shockwave mula sa rocket na dumaan malapit sa Palawan.

What do you feel about this article?