Sinimulan na ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-iimprenta ng humigit-kumulang 200,000 roadshow ballots para sa nalalapit na Bangsamoro Parliamentary Elections sa Oktubre 13.
Ayon kay Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, ang mga balotang ito ay gagamitin sa demonstration ng automated counting machines (ACMs) sa mga tanggapan ng election officer sa BARMM mula Setyembre 1 hanggang 30.
Bukod dito, magpi-print din ang Comelec ng training ballots para sa election boards.
Tinatayang aabot sa 2.2 milyong official ballots ang kailangang iimprenta para sa mismong halalan, kasama na ang final testing and sealing ballots.
ADVERTISEMENT
Gaganapin ang pag-iimprenta sa National Printing Office sa Quezon City, at inaasahang matatapos ito sa loob ng isang linggo.

