Handa ang Administrasyong Marcos Jr. na kasuhan ang mga kontraktor na sangkot sa mga palpak na flood control projects maging ang mga opisyal na may kickback umano sa pondo nito.
Tinawag na notorious o kilabot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga opisyal na sangkot sa korapsyon.
Walang pinangalanan si PBBM pero matagal na aniyang gawain ng mga ito ang kumamal ng kickback.
Pagdidiin ng pangulo, mananagot ang mga opisyal na mapapatunayang korap at palpak ang serbisyo publiko, kahit pa ang sarili niyang mga kaalyado.
ADVERTISEMENT
Tukoy na rin ng pamahalaan ang mga listahan ng mga kontraktor nasa likod ng mga palpak na flood control projects.
Samantala, nilinaw din ni Pang. Marcos Jr. na ang ikakasang audit ng kanyang administrasyon sa mga flood control projects ay hindi pangungunahan ng DPWH.

