DepEd, pinatibay ang mga hakbang laban sa bullying sa mga paaralan | News Light

📅

Pinaigting ng Department of Education (DepEd) ang mga hakbang para matugunan ang bullying na nagaganap sa mga paaralan.

Ito ay matapos pirmahan ni Education Secretary Sonny Angara ang revised implementing rules and regulations ng Anti-Bullying Act of 2013.

Sa panukala, pinatibay ang mga hakbang upang maiwasan ang bullying at magkaroon ng malinaw na chain of accountability upang mas mahusay na matugunan ang bawat reklamong ihahain.

Hinimok naman ng grupong Teachers’ Dignity Coalition (TDC) ang paggamit ng “whole-of-society approach” upang masiguro na masusunod ang mga pagbabago sa batas.

ADVERTISEMENT

Ayon sa grupo, mahalaga na hindi lamang DepEd o mga paaralan ang kumilos, kundi maging ang iba pang ahensya ng pamahalaan.