Balitang A2ZLatest News

Bilang ng nagparehistro para sa BSKE, umabot na sa 900k ayon sa COMELEC

Aabot 900,000 na ang nagparehistro simula nang buksan ng Commission on Elections ang voter registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Aabot 900,000 na ang nagparehistro simula nang buksan ng Commission on Elections ang voter registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Sa tala ng COMELEC, pinakamaraming ang naitalang nakapagparehistro sa CALABARZON at Metro Manila.

Noong Biyernes, August 1, nagsimula ang 10-day voter registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Bagamat napipintong lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang batas na magpapaliban sa BSKE sa Disyembre, hinihikayat pa rin ng COMELEC ang pagpaparehistro bilang botante.

ADVERTISEMENT

What do you feel about this article?