In a relationship na muli ang aktres na si Bea Alonzo sa businessman na si Vincent Co.
Pag-amin ng aktres, obvious naman na daw na sila’y in a relationship na at masaya siya sa itinatakbo ng kanilang relasyon.
Hindi naman na nagbahagi pa ng ibang detalye si Bea at aniya, mas pinipili nilang gawing pribado ang detalye ng kanilang pagmamahalan.
Naging maingay ang spekulasyon na dating na ang dalawang personalidad nang ilang beses silang nakitang magkasama sa mga event.
ADVERTISEMENT
Matatandaan ding naging usap-usapan ang love life ni Bea lalo pa noong hindi na natuloy pa ang kasal nila ng aktor na si Dominic Roque matapos ang kanilang engagement noong July 2023.

