Mariing kinondena ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang hazing at anumang uri ng pang-aabuso matapos masawi ang 22-anyos na si Pvt. Charlie Patigayon sa Maguindanao del Norte.
Ayon sa AFP, hindi kailanman kinukunsinti ng militar ang hazing, physical abuse, o anumang uri ng nakakahiyang pagtrato sa mga tauhan nito.
Namatay si Patigayon matapos umanong sumailalim sa reception rites sa 6th Infantry Battalion Headquarters sa Barangay Capiton, Datu Odin Sinsuat.
Agad namang inalis sa puwesto ang dalawang opisyal at 19 na enlisted personnel habang iniimbestigahan ang insidente.
ADVERTISEMENT
Inatasan na rin ni AFP chief of staff Gen. Romeo Brawner Jr. ang lahat ng yunit na panatilihin ang mataas na pamantayan ng disiplina at respeto sa dignidad ng bawat sundalo.

