
Arestado ang dalawang indibidwal sa Taytay, Rizal matapos maaktuhang nagnanakaw ng kable ng kuryente sa isang pampublikong pasilidad.
Dinakip ang mga ito sa operasyon ng Taytay Municipal Police Station.
Dahil dito, ang mga suspek ay nasa kustodiya na ng pulisya at sinampahan ng reklamong paglabag sa Republic Act No. 7832 o Anti-Electricity and Electric Transmission Lines/Materials Pilferage Act of 1994.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng kapulisan para mahuli ang iba pang kasabwat ng mga suspek.
ADVERTISEMENT
Hinimok din ng mga ito ang mamamayan na makipagtulungan sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa bayan ng Taytay.

