Balitang A2ZLatest News

Presyo ng overnight parking sa NAIA, binaba sa ₱600 mula ₱1,200 para sa mga kotse

Binawasan na ng pamunuan ng NAIA ang parking fees sa paliparan, mula sa ₱1,200 magiging ₱600 na lamang ang overnight parking.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Binawasan na ng pamunuan ng NAIA ang parking fees sa paliparan, mula sa ₱1,200 magiging ₱600 na lamang ang overnight parking.

Ayon sa NAIA, kailangan lamang ipakita ng mga pasahero ang kanilang boarding pass bago ito maka-avail at bayaran.

Para naman sa mga bus mula sa ₱2,400 magiging ₱1,200 na ito at sa motorsiklo naman ay ₱240.

Samantala, naging epektibo na simula August 1 ang bagong parking fees ng NAIA.

What do you feel about this article?