Balitang A2ZLatest News

PhilSA, kinumpirma ang pagpapalipad ng rocket ng China; hinihinalang debris, namataan sa Palawan

Nagbabala ang Philippine Space Agency sa posibilidad ng pagbagsak ng debris ng rocket ng China sa ilang bahagi ng Palawan.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Nagbabala ang Philippine Space Agency sa posibilidad ng pagbagsak ng debris ng rocket ng China sa ilang bahagi ng Palawan.

Kasunod ito ng kumpirmadong paglulunsad ng Long March 12 Rocket ang People’s Republic of China nitong Lunes, August 4, mula sa Hainan International Commmercial Launch Center sa Wenchang, Hainan.

Inaasahang babagsak ang debris sa 21 NM mula sa Puerto Princesa sa Palawan o sa layong 18 NM mula sa Tubbataha Reef Natural Park.

Ilang minuto matapos ang anunsyo, may namataang object mula sa langit ang isang residente sa Roxas, Palawan.

ADVERTISEMENT

Gayunpaman, hindi pa beripikado kung ang namataang bagay ay debris o may kinalaman sa naturang launch.

What do you feel about this article?