Iimbestigahan ng Philippine Army ang pagkasawi ng isang bagong sundalo habang isinagawa ang traditional reception ceremony sa headquarters ng 6th Infantry Battalion sa Datu Piang, Maguindanao Del Sur.
Ayon sa Militar, pansamantala munang tinanggal ang 21 na sundalo kabilang ang dalawang opisyal na sangkot sa pagkasawi ni 22-anyos na si Private Charlie Patigayon habang gumugulong ang imbestigasyon.
Samantala, umatras na ang kaibigan ng nawawalang beauty pageant consteant na si Catherine Camilon bilang testigo sa kaso nito.
Ayon sa PNP, natakot umano ang kaibigan ng biktima sa kaligtasan ng pamilya nito kaya hindi na itinuloy ang pagtestigo.
ADVERTISEMENT
Gayunpaman, tiniyak ng PNP na handa silang magbigay ng proteksyon sa mga tetestigo sa kaso ni Camilon.

