Balitang A2ZLatest News

Pagbili ng baton, pepper spray at iba pang non-lethal weapon vs kriminalidad, pinag-aaralan ng PNP

Pinag-iisipan ng Pambansang Pulisya na bumili ng mga armas na hindi nakamamatay bilang pang responde ng kapulisan upang maiwasang mapatay ang mga suspek sa krimen.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Pinag-iisipan ng Pambansang Pulisya na bumili ng mga armas na hindi nakamamatay bilang pang responde ng kapulisan upang maiwasang mapatay ang mga suspek sa krimen.

Ayon kay PNP Chief Police General Nicolas Torre III, kabilang sa kinukunsiderang non-lethal weapons ang plastic baton, pepper spray, at taser.

Lumabas ang pahayag kasunod ng insidente ng pamamaril ng isang pulis sa Pavia Iloilo nitong weekend, kung saan tinamaan ang isang lalaking nag aamok habang may hawak na patalim.

Sa ngayon iniimbestigahan na ang pulis na namaril, pero giit ni Torre, suportado pa rin ng Pambansang Pulisya ang naturang pulis sa likod ng kaniyang intensyon sa pamamaril.

What do you feel about this article?