Hindi makapaniwala si Marquez nang makita ang replica ng kaniyang Miss International crown na ninakaw ilang taon na ang nakalilipas.
Mahigpit na niyakap ng mag-ina ang isa’t isa bago isinuot muli ni Marquez ang korona at nagselfie kasama si Dee.
Sa social media post ni Dee, sinabi niyang tinutulungan siya ni Miss Universe Philippines Executive Vice-President Voltaire Tayag
na maisakatuparan ang pagsasabuhay ng nawalang korona ng kaniyang ina.
Si Melanie Marquez ang ikatlong pinay na nakasungkit ng Miss International title at pinakabatang nag-uwi ng korona sa edad na 15 years old.

