Tiniyak ng kampo ng negosyanteng si Atong Ang na masasagot ang mga akusasyon laban sa kanyang pagkaka-ugnay sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
Kasunod ito ng mga reklamong isinampa laban kay Ang, matapos ikanta ni Alyas Totoy bilang mastermind ang pag-kidnap at pagpatay sa mga naturang sabungero.
Nitong Biyernes, August 1 nang maghain ng kasong murder at serious illegal detention ang isang kapatid ng isa sa mga missing sabungero laban kay Ang.

