Iminumungkahi ng ilang private companies na isailalim sa rehabilitasyon ang mga paliparan sa Bicol, Davao City at Siargao, ayon sa Department of Transportation.
Kinumpirma ni Transport Chief Vince Dizon na nakatanggap ang kagawaran ng “bundled airport unsolicited proposal” mula sa Gokongwei Group at Filinvest Group kaugnay sa rehabilitasyon ng mga naturang paliparan.
Pero giit ni Dizon, sisimulan na ng pamahalaan ang rehabilitasyon ng mga nasabing paliparan sa Biyernes, August 8, bago pa man maaprubahan ang naturang proposal.
Sakaling maaprubahan, ipauubaya na aniya ng Gobyerno ang konstruksyon ng tatlong paliparan sa dalawang kumpanya.
ADVERTISEMENT
Target ng DOTr na palawakin sa 750 ang passenger capacity ng Siargao Airport mula sa 200 lamang.

