Nagpapagaling na ang isang tauhan ng Philippine Air Force matapos matuklaw ng isang ahas sa loob ng Villamor Air Base, ilang oras lang bago ang paglipad ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. noong Monday, August 4.
Natagpuan ang ahas na pagapang gapang sa mga halamanan, ilang metro lang ang layo mula sa eroplano ni PBBM malapit sa Maharlika Lounge.
Agad na hinuli ang naturang ahas at inilagay sa isang sako.
Nasa maayos nang kundisyon ang Airforce staff matapos mabigyan ng anti-tetano shot, habang napag-alaman ring hindi makamandag ang naturang ahas.
ADVERTISEMENT
Ayon sa Air Force, paiigtingin nila ang pagchecheck sa lugar upang maiwasan ang ganitong insidente.

