Balitang A2ZLatest News

₱2 taas-presyo ng produktong petrolyo, sumipa sa unang linggo ng Agosto

Sumipa ng ₱2 kada litro ang presyo ng produktong petrolyo noong Martes, August 5, 6:00 A.M., kasunod ito ng inilabas na abiso ng mga oil companies noong Lunes, August 4.

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Epektibo ngayong araw, August 5, ang taas-presyong aabot sa ₱2 kada litro ang presyo ng produktong petrolyo, kasunod ito ng inilabas na abiso ng mga oil companies noong Lunes, August 4.

₱1.90 kada litro ang itataas sa presyo ng gasolina.

₱1.20 naman kada litro ang sa diesel.

Habang ₱1 kada litro naman ang sa kerosene.

ADVERTISEMENT

Ayon sa Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy, ang taas-presyo ay bunsod ng paghahanda nga mga kumpanya ng krudo sa epekto ng ipinataw na sanction ng Estados Unidos laban sa Russia, Iran at European Union nang maghigpit ang mga naturang bansa sa Russian oil exports sa gitna ng gyiera nito kontra Ukraine.

What do you feel about this article?