Itinaas ng National Grid Corporation of the Philippines ang Yellow Alert sa Visayas at Mindanao grids nitong Biyernes, August 1 mula 6 P.M. hanggang 8 P.M.
Ayon sa NGCP, kulang ang suplay ng kuryente para sa emergency needs ng grid dahil sa mga power plant na naka-forced outage o hindi nag-ooperate sa buong kapasidad.
Sa kasalukuyan, stable naman ang suplay ng kuryente sa Luzon grid.
Matatandaang sa kanyang SONA na nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na papaigtingin ang Electrification Program ng bansa at target makapag-online ng 200 power plants bago matapos ang kanyang termino.

