Nagpadala na ng aircraft sa Luzon Strait ang Philippine Coast Guard (PCG) upang matyagan at paalisin ang Chinese research vessel na nasa exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.
Ayon sa ahensya, ang vessel na Xiang Yang Hong 05 ay nauna nang nanatili sa EEZ sa loob ng 22 araw mula June 7.
Nagsagawa umano ito ng substantial marine scientific research sa Karagatang Pasipiko.
Sinubukang paalisin ng PCG ang vessel ngunit hindi ito sumasagot.
ADVERTISEMENT
Ang Luzon Strait, kung saan naroon ang Chinese vessel, ay hindi bahagi ng territorial dispute ng bansa at China.

