Binalaan ng palasyo ang Kongreso na huwag abusuhin ang kapangyarihan sa budget, kasunod ng babala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ika-apat na SONA na hindi niya lalagdaan ang 2026 budget kung ito ay “misaligned” sa mga programa ng administrasyon.
Ito’y matapos igiit ni Senate President Chiz Escudero na hindi “rubber stamp” ang Kongreso at mayroon itong “power of the purse.”
Ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro, mahigpit na pinag-aaralan ang proposed budget base sa pangangailangan ng taumbayan.
Giit ni Castro, layunin ng pangulo ang transparency sa budget process kaya nanaisin ng pangulo na gawing bukas sa publiko ang bicam conference para sa panukalaang 6 point 793 trillon peso 2026 budget.
ADVERTISEMENT
Sakali mang may insertions mula sa Kongreso depende ito kung makatutulong ba sa publiko, ayon kay Castro.
Hindi naman daw magdadalawang-isip ang pangulo na i-veto ito sakaling wala itong pupuntahan.



